• Brands
    • Enfagrow A+ Four NuraPro
    • Lactum 3+ & 6+
    • Enfamama A+
    • Enfagrow A+ Gentlease 3+
    • Enfagrow A+ CS-Biome 3+
  • Products
  • Milestones
    • Pregnancy
    • Postnatal
    • Little One
    • Toddler
    • Preschool
    • School Age
  • Tools
    • Weight Gain Calculator
    • Ovulation Calendar
    • Due Date Calculator
    • Baby Name Generator
    • Coming Soon
  1. Enfa PH
  2. Milestone
  3. Pregnancy
  4. Sintomas ng Buntis

Sintomas ng Buntis: Ano ang Dapat Asahan sa Mga Unang Linggo?

Alamin ang mga unang senyales ng pagbubuntis at kung paano ito makaaapekto sa iyong katawan. Narito ang mga sintomas na dapat mong abangan para mas maunawaan ang bagong yugto ng iyong pagiging ina.

Woman in bed feeling nauseous or experiencing heartburn.

Nasa isip mo ba ang posibilidad na nagbubuntis ka? Normal lang na maging curious sa mga posibleng pagbabago sa iyong katawan.

Ang pagtukoy sa mga sintomas ng buntis ay ang unang hakbang para kumpirmahin ang pagbubuntis. Bagama’t magkakaiba ang bawat experience, may ilang signs at sintomas na karaniwang nararanasan ng mga pregnant moms.

Ang mahalaga ay maging handa ka sa mga posibleng pagbabago sa iyong katawan. Huwag mag-atubiling magtanong sa iyong doktor para sa tamang pag-aalaga sa iyong sarili.

Bakit Bihira ang Sintomas ng Buntis sa Unang Linggo?

Ang unang linggo ng pagbubuntis ay karaniwang binibilang mula sa unang araw ng iyong huling regla. Mahalagang malaman na normal lang kung wala ka pang nararamdamang anumang senyales ng pagbubuntis sa panahong ito.1

Gayunpaman, may ilang posibleng sintomas na maaari mong maranasan1  :

  • Pagkaliban ng regla (missed period): Kadalasan, ito ang pinakaunang senyales ng pagbubuntis.
  • Pagkapagod (fatigue): Kahit sapat ang iyong tulog at pahinga, normal lang na makaramdam ng labis na pagkapagod.

Sintomas ng Buntis 2 Weeks: Dito Nagsisimula ang Iyong Kwento ng Pagbubuntis

Kung  magtatagpo ang sperm at itlog, mangyayari ang conception sa ika-3 linggo. Pagkatapos nito, maglalakbay ang fertilized egg papunta sa iyong matris.2  

Sa panahong ito, may mga maagang senyales na puwede mong maranasan:

  1. Implantation bleeding: Ito ay kaunting pagdugo o spotting. 'Wag ka mag-alala, normal lang ito! Ito ay konting spotting na parang patak-patak na dugo at hindi tulad ng normal mong regla. Sign ito na nagsisimula nang mabuo ang baby mo sa loob ng iyong matris.3
  2. Pagbabago ng mood: Dahil sa pagbabago ng hormones, posibleng maging iba ang pakiramdam mo. Minsan masaya ka, tapos maya-maya, bigla ka na lang malulungkot. Natural lang na mag-iba-iba ang mood mo.4
  3. Mas madalas na pag-ihi: Baka mapansin mong mas madalas ka na sa CR, kahit hindi ka naman masyadong uminom.4

Tandaan, hindi lahat ng babae ay nakararanas ng mga sintomas ng buntis sa 3 weeks. Kung mayroon kang mga katanungan, makipag-usap sa iyong doktor para sa tamang payo at gabay.

Sintomas ng Buntis 1 Month: Panahon na Para sa Pregnancy Test at Iba Pang Hudyat

Pagpasok ng isang buwan, nagsisimula na talagang mabuo ang iyong baby bilang isang embryo.2   Sa panahong ito, mabilis na tumataas ang hCG (human chorionic gonadotropin) hormone sa iyong katawan. Ito ang hormone na nade-detect ng pregnancy test, kaya malaki na ang chance na mag-positive ang resulta mo ngayon!5  

Sa mga linggong ito, mas nagiging obvious na ang mga pagbabago. Narito ang ilan sa mga karaniwang sintomas na mararanasan6 7: 

  • Morning sickness: Puwedeng makaramdam ng pagkahilo o pagsusuka sa umaga, pero tandaan na maaari itong mangyari kahit anong oras ng araw.
  • Masakit o maselan na dibdib: Dahil sa hormones, mas magiging tender at sore ang iyong breasts.
  • Pregnancy cravings at aversions: Biglang magugustuhan mo ang mga pagkaing hindi mo naman dati kinakain, o kaya naman ay bigla mong aayawan ang mga dati mong paborito.
  • Pagbabago sa balat: Maaari ding magkaroon ng dark spots o chloasma sa mukha, na tinatawag na “mask of pregnancy.”
  • Mas makintab at mas makapal na buhok: Marami ang nagsasabing mas gumaganda ang kanilang buhok dahil sa pregnancy hormones.
  • Pagiging bloated: Feeling busog o bloated ka man, na parang sa period mo.
  • Paglabas ng white discharge: Normal lang ang pagdami ng leukorrhea o white, milky discharge.
  • Pagtaas ng timbang: Normal lang kung mapapansin mong dumadami ang iyong timbang.

Tandaan, ang bawat pregnancy journey ay natatangi. Kung mayroon kang nararamdamang anumang sintomas na ikinababahala mo, huwag mag-atubiling kumonsulta sa iyong OB-GYN. Sila ang pinakamainam na mapagkukunan ng tamang gabay at payo.

Kakaibang Pakiramdam at Iba Pang Sintomas ng Buntis

Bukod sa mga karaniwang sintomas, mayroon pang ibang subtle na pagbabago sa iyong katawan na maaaring maranasan. Ang mga ito ay dahil sa pagbabago sa hormones na tumutulong upang suportahan ang paglaki ng iyong baby:

  • Tumaas na body temperature: Dahil sa hormones, posibleng maging mas mainit ang pakiramdam mo o parang mayroon kang very slight na lagnat.8
  • Constipation at heartburn: Normal lang ang pagiging constipated dahil bumabagal ang digestion.9Maaari ka ring makaramdam ng pag-acidic o heartburn dahil sa pagluluwag ng muscles sa digestive system mo.10
  • Metallic taste sa bibig (o dysgeusia): May ilang buntis na nakakaranas ng kakaibang lasa sa kanilang bibig, na parang metal o maasim.11
  • Madaling magkasakit: Ang iyong immune system ay nag-aadjust para tanggapin ang baby mo. Kaya naman, mas madali kang kapitan ng colds o flu.12
  • Pagbabago sa libido: Maaaring magbago ang iyong sexual desire. Puwedeng bumaba o tumaas ito, at parehong normal na bahagi ng pagbubuntis.13

Mahalaga ring tandaan na ang bawat pagbubuntis ay natatangi. Normal lang kung hindi mo maranasan ang lahat ng mga sintomas na ito. Gayunpaman, kung mayroon sa mga ito ang labis na nagdudulot ng pag-aalala, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa iyong doktor.

Mula Sintomas Patungo sa Siguradong Kaalaman

Enfamama A+ prenatal milk advertisement highlighting support for mom's pregnancy and baby's development, featuring product benefits including no added sugar, low fat, highest DHA, and MFGM on a gold background.

Sa iyong pagtuklas sa mga maagang sintomas ng buntis, sana ay nakatulong ito para mas maintindihan mo ang mga pagbabago sa iyong katawan. Tandaan, normal lang kung hindi mo maranasan ang lahat ng sintomas, dahil iba-iba ang karanasan ng bawat isa.

Ang pinakamahalaga ay laging makipag-ugnayan sa iyong OB-GYN. Sila ang magbibigay sa iyo ng tamang payo at kumpirmasyon para matiyak ang kalusugan mo at ng iyong baby  .

Habang pinagmamasdan mo ang mga pagbabago sa iyong katawan, mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang tamang nutrisyon. Bukod sa regular check-ups, kailangan mo rin ng sapat na nutrisyon para suportahan ang pangangailangan ng iyong katawan at ng iyong baby. Dito makakatulong ang tamang prenatal milk.

Kaya, para sa isang future-ready na baby, nandito ang New and Improved (vs. previous formulation) Enfamama A+ with MFGM + highest DHA (among prenatal milks).   Sa tulong ng dagdag-nutrisyon gaya ng folic acid, choline, at iron, sinusuportahan din nito ang nutritional needs mo bilang breastfeeding mom at ang baby mo para sila ay maging SMART FROM THE START!   (alongside genetic potential, with proper nutrition and healthy lifestyle)

Breastmilk is still best for babies up to two years of age and beyond.

The use of milk supplements must only be upon the advice of health professionals.

The unnecessary and improper use of this product may be dangerous to your child’s health.

Ang gatas ng ina ay nananatiling pinakamainam para sa mga sanggol hanggang dalawang taong gulang at higit pa.

Ang paggamit ng mga milk supplement ay dapat lamang sa payo ng mga propesyonal sa kalusugan.

Ang hindi kailangan at hindi tamang paggamit ng produktong ito ay maaaring mapanganib sa kalusugan ng iyong anak.

References

  1. Davis, K. (2024, January 26). Pregnancy symptoms week 1: Early signs. Medical News Today. https://www.medicalnewstoday.com/articles/pregnancy-symptoms-week-1
  2. Martinez, L. (2023, August 23). Fetal development: Medlineplus medical encyclopedia. MedlinePlus. https://medlineplus.gov/ency/article/002398.htm
  3. National Health Service England. (2022, December 29). Signs and symptoms of pregnancy. NHS Choices. https://www.nhs.uk/pregnancy/trying-for-a-baby/signs-and-symptoms-of-pregnancy/
  4. Silver, N. (2017, August 29). 2 weeks pregnant: Symptoms, tips, and more. Healthline. https://www.healthline.com/health/pregnancy/week-two
  5. The Nemours Foundation. (n.d.). Pregnancy calendar: Week 4. KidsHealth. https://kidshealth.org/en/parents/week4.html
  6. National Health Service England. (n.d.). Week-by-week guide to pregnancy: Week 4. NHS Choices. https://www.nhs.uk/start-for-life/pregnancy/week-by-week-guide-to-pregnancy/1st-trimester/week-4/
  7. WebMD Editorial Contributors. (2024, October 31). Your pregnancy week by week: Weeks 5-8. WebMD. https://www.webmd.com/baby/your-pregnancy-week-by-week-weeks-5-8
  8. Grant, A., & Smarr, B. (2022). Feasibility of continuous distal body temperature for passive, early pregnancy detection. PLOS Digital Health, 1(5). https://doi.org/10.1371/journal.pdig.0000034
  9. Salari, N., Mohamadi, S., Hemmati, M., Fallahi, A., Rasoulpoor, S., Zarei, H., Shohaimi, S., & Mohammadi, M. (2024). Global prevalence of constipation during pregnancy: A systematic review and meta-analysis. BMC Pregnancy and Childbirth, 24(1). https://doi.org/10.1186/s12884-024-07057-y
  10. Dunbar, K., Yadlapati, R., & Konda, V. (2022). Heartburn, nausea, and vomiting during pregnancy. American Journal of Gastroenterology, 117(10S), 10–15. https://doi.org/10.14309/ajg.0000000000001958
  11. Bleh. why does my food taste weird?. Cleveland Clinic. (2025, April 2). https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22047-dysgeusia
  12. Orefice, R. (2021). Immunology and the immunological response in pregnancy. Best Practice & Research Clinical Obstetrics & Gynaecology, 76, 3–12. https://doi.org/10.1016/j.bpobgyn.2020.07.013
  13. Fernández-Carrasco, F. J., Batugg-Chaves, C., Ruger-Navarrete, A., Riesco-González, F. J., Palomo-Gómez, R., Gómez-Salgado, J., Rodriguez Diaz, L., Vázquez-Lara, M. D., Fagundo-Rivera, J., & Vázquez-Lara, J. M. (2024). Influence of pregnancy on sexual desire in pregnant women and their partners: Systematic Review. Public Health Reviews, 44. https://doi.org/10.3389/phrs.2023.1606308
DPO Registered
  • Our Brands
  • Products
  • Milestones
  • Privacy Policy
2025 Reckitt - All Rights Reserved